Close

Medical supplies sa mga health workers sa BARMM, dumating na

Sponsor ads


COTABATO CITY -- DUMATING na ang medical supplies para sa mga health workers at frontliners ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dito sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.

Lulan ng Philippine Airforce’s C 130 cargo plane ang mga gamot kabilang ang Personal Protective Equipment (PPE), surgical masks, face shields, isolation gowns, 70% Isoprophyl alcohol, disinfection solution, thermal scanners, ibat-ibang uri ng gamot tulad ng multivitamins, vitamin C, paracetamol at turbo misting machine.

Sinabi ni BARMM Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo na ang medical supplies ay binili ng Bangsamoro government na tugon sa medical na pangangailangan kaugnay ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Anya ang ilang gamot ay ibibigay sa Provincial Emergency Operations Centers (EOCs) bilang tulong sa mga lalawigang sakop ng BARMM.

Ayon kay Sinarimbo, nakipag ugnayan na ang BARMM sa pamunuan ng Western Mindanao Command (WestMinCom) upang maihatid ang ilang bahagi ng mga gamot para sa Island provinces.

Inaasahan narin ang pagdating ng karagdagang medical supplies ayon sa Bangsamoro government. - Jom Dimapalao