Close

Medical frontliners kay Duterte: 'Ibalik na ang ECQ sa Metro Manila'

Sponsor ads


Nanawagan ang ilang mga frontliners na doktor at nurse kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Ito ay para mabigyan naman ng pagkakataon ang mga medical frontliners na makapagpahinga at makabawi ng lakas mula sa estado ng medical health facilities dahil sa dami ng COVID-19 cases.

Ayon kay Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, mula noong isailalim ang Metro Manila sa general community quarantine, biglang sumipa muli ang kaso ng virus.

Paliwanag nya, batid nilang nais ng pamahalaan na buhayin muli ang ekonomiya sa Metro Manila pero kailangan ding ikonsidera ang kalusugan ng mas nakararami na matatamaan at mamamatay dahil sa coronavirus.

Dagdag ni Limpin, di kakayanin ng Metro Manila ang mas marami pang kaso ng COVID-19 kung mismong ang mga medical frontliners na ang papadapain nito dahil sobrang pagod na sa pag-aasikaso sa mga pasyente.