Close

Medical frontliner, handang magpaturok ng Chinese-made vaccine

Sponsor ads


Handa ang isang mediacal frontliner na magbakuna laban sa COVID-19, gamit ang Sinovac mula sa China, sa kabila ng mga pag-aalinlangan dahil sa effectivity nito, sa oras na maaprubahan ito sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department, excited at matagal na umano niyang hinihintay na mabakunahan.

Maliban sa Sinovac vaccine, na sinasabing may 50% effectivity, ay handa rin itong tumanggap ng anumang shot na pumasa sa anumang regulatory process.

Iginiit rin nito na dapat mahikayat ang lahat, kasama ang mga frontliners na magpabakuna, dahil ito umano ang pinaka-kritikal na panahon para tumanggap ng naturang bakuna upang maprotektahan laban sa pandemic.