Close

McGregor may mensahe sa fans matapos maaresto

Sponsor ads


Naglabas ng mensahe si UFC superstar Conor McGregor sa kanyang mga fans ilang oras matapos itong maaresto sa Miami Florida.

Sa kanyang instagram post sinabi nitong talagang pinagsusumikapan niyang pahabain ang kanyang pasensiya.

thenotoriousmma: "Patience in this world is a virtue I continue to work on. I love my fans dearly. Thank you all"??

Magugunitang inaresto ang tinaguriang 'The Notorius' matapos kunin at tapakan ang cellphone ng isang fan na kumukuha sa kanya ng litrato.

Agad naman nakalabas ng kulungan si McGregor matapos makapaglagak ng $12,500 bond.