Close

Mayweather balik sparring para sa exhibition match

Sponsor ads


Balik sa sparring session na si American boxer Floyd Mayweather Jr. bilang paghahanda sakaling matuloy ang laban nito kay Japanese Kickboxer Tenshin Nasukawa.

Ito ang kinumpirma ni Former Mayweather Promotions fighter Ashley Theophane.

“Floyd is back sparring. He could be sparring because of the exhibition in Japan. But all I know is he’s sparring for something. The public will know when he wants them to,” ayon kay Theophane.

Una nang sinabi ng undefeated boxer na tuloy ang kanyang exhibition match laban kay Tenshin na gaganapin sa Japan sa December 31.

Posibleng umanong mapag-usapan ang Mayweather-Pacquiao rematch depende sa kalalabasan ng laban ng Filipino boxer kay Adrien Broner.