Close

Mayweather, itinangging makakalaban si Nasukawa ng Japan

Sponsor ads


Itinanggi ng boksingero na si Floyd Mayweather Jr. na makakalaban niya ang Japanese Kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa isang televised bout sa bisperas ng bagong taon.

Naging kontrobersyal ang announcement na ito ni Mayweather sa Instagram dahil kung maalala ay umupo siya sa isang news conference kasama ang 20-anyos na kick boxer at nagpalitrato pa kasama si Nasukawa.

Ayon kay Mayweather, naloko ang fight fans at ang mga tagasuporta niya.

Sinabi ng undefeated boxer na nilapitan siya para kausapin tungkol sa isang three-round exhibition match kung saan ay manunuod ang maliit na grupo ng mayayaman na spectators na may kapalit na malaking bayad.

Ipinunto ng 41-anyos na boksingero na ang kanyang kampo ay nalito sa bagong direksyon ng event at sa kung papaano ito napresenta sa isang press conference matapos ang naging pirmahan kasama ang Japanese promoters na RIZIN Fighting Federation.

Giit ni Mayweather, hindi niya lang ginusto na gumawa ng bagay na ikakadismaya ng mga fans na lumipad pa patungong Japan para umattend sa news conference.

Paliwanag niya, retiradong boksingero siya na kumikita ng pera sa pamamagitan ng kanyang appearances, speaking engagements at exhibitions.