Close

Mayoralty bet sa Agusan Sur, arestado dahil sa guns, ammo

Sponsor ads


Arestado naman ng mga otoridad ang mayoralty bet ng Rosario, Agusan del Sur, para sa illegal possession of guns and bullets.

Ang pag-aresto kay Jupiter Abulog sa Barangay Santa Cruz, Rosario ay kasunod ng inilabas ni Judge Lou Nueva ng Branch 7 ng 10th Judicial Region sa Bayugan City.

Ito'y matapos makumpiska kay Abulog ang iba't-ibang uri ng baril at bala.

Nabatid na halos 15 uri ng baril ang nakumpiska mula sa mayoralty bet habang nasa mahigit 200 bala at mahigit 130 magazine para sa iba't-ibang klase ng matataas na kalibre ng baril.

Dahil dito, nahaharap si Abulog ng kaso sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.