Close

Mayor Duterte: 'Sen. Trillanes, duwag!'

Sponsor ads


Tinawag ni Davao City Mayor Sara Duterte na duwag si Senator Antonio Trillanes.

Ito ay matapos sabihin ni Trillanes na ayaw niya nang pahabain pa ang sagutan nila ng presidential daughter.

Ayon sa alkalde, nagtataka siya kung bakit wala nang oras sumagot si Trillanes sa kabila ng ilang ulit nitong pagpapa-interview sa press.

Sinabi rin ni Duterte na naniniwala siya ngayon sa sabi-sabi na duwag si Trillanes at isang kahihiyan sa hanay ng mga sundalo at Senador.

Mababatid na nagsimula ang kontrobersya nang sabihin ni Trillanes na kung hindi magtatagumpay ang Pederalismo at pagdedeklara ng martial law ay mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na patakbuhin ang anak nito na si Sara upang makaiwas sa mga kaso na may kinalaman sa pagpatay at katiwalian.