Close

Mayor Duterte, may babala laban kay Trillanes

Sponsor ads


Nagbabala si Davao City Mayor Sara Duterte na dapat ay lubayan na siya ni Senator Antonio Trillanes.

Ito ay matapos sabihin ng Senador na posibleng patakbuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak nito na si Sara upang makaiwas sa mga kaso sa taong 2022.

Ayon sa alkalde, mapipilitan ang pinakamatinding kritiko ng pangulo at ang mga kaalyado nito na gumastos ng bilyon-bilyong piso para kalabanin siya sa presidential elections.

Anya, hindi katulad ng kanyang ama na gustong mabaril si Trillanes ay sisiguraduhin niya na mananatiling buhay ang Senador na naghihirap.

Sinabi rin ng alkalde na tulad kay House Speaker Pantaleon Alvarez ay ayaw niyang marinig mula sa Senador na binbanggit ang kanyang pangalan.