Close

May-ari ng WellMed, mananatili muna sa detention center

Sponsor ads


Mananatili sa detention center ang isa sa may-ari ng WellMed dialysis na sangkot sa ghost dialysis treatment hanggang maresolba ang kinakaharap nitong kasong estafa.

Ito ang naging pahayag ng Department of Justice.

Kwinestyon naman ng may-ari at Vice President ng WellMed na si Bryan Sy ang validity ng warrant arrest sa kanya.

Ayon sa abogado ni Sy na si Atty. Rowell Ilagan walang sapat na basehan ang pag-aresto ng National Bureau of Investigation kay Sy.

Nahaharap si Sy at iba pang mga opisyal ng WellMed sa kasong estafa at falsification of documents sa DOJ dahil sa umanoy patuloy nitong paniningil sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa pasyente na matagal nang nasawi.