Close

Maxene Magalona, kinasal na

Sponsor ads


Nagpalitan na ng "I do's" ang aktress na si Maxene Magalona at ang musician/model na si Robby Mananquil.

Ikinasal sina Magalona at Mananquil kahapon sa Shangri-La's Boracay Resort and Spa.

Suot ni Maxene ang isang puti na Vera Wang wedding gown.

All white rin ang suot na suit ni Mananquil at ng iba pang bisita.

Hindi naman nakadalo sa kasal ang kapatid ni Maxene na si Saab Magalona dahil sa pagdadalang tao.

Kapansin-pansin rin na dumalo sa momentous event ng mag-asawa ang ilang sikat na personalidad kabilang na ang isa pang kapatid ni Maxene na si Elmo Magalona at ang on-screen partner nito na si Janella Salvador, pati na rin sina Lauren Young at Mikael Daez.