Close

Maute-ISIS leader , pinaniniwalaang napatay sa engkwentro

Sponsor ads


Kinukumpirma na ng mga otoridad kung kabilang si Maute-ISIS leader Abu Dar sa nasawi sa engkwentro sa pagitan ng mga militar at terorista sa Lanao Del Sur.

Dalawang katawan ang narekober mula sa engkwentro at hinihinalang si Abu Dar ang isa rito.

Si Dar ang sinasabing natitirang lider ng ISIS-inspired group matapos mapatay ang orihinal na lider na si Isnilon Hapilon.

Pahayag naman ni Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade sa Marawi City, apat na sources na ng militar ang tumukoy sa bangkay bilang si Abu Dar.

Maliban naman sa dalawang miyembro ng ISIS ay nasawi rin ang tatlong sundalo sa sagupaan.