Close

Matteo Guidicelli, pinalagan ang pambabash ng netizens

Sponsor ads


Pinalagan ng aktor na si Matteo Guidicelli ang ilang netizens na nambatikos sa kanyang acting at karakter sa teleserye na kinabibilangan niya sa dos.

Ayon sa Twitter user na may handle na @Zoe86475660, hindi magaling na aktor si Matteo pero lagi nito nakukuha ang magagandang proyekto kahit hindi niya naman daw ito deserve.

Paborito daw kasi ng management ng TV network at ng business unit na Star Creatives si Matteo.

Sagot naman ng aktor: "Shh... keep ur mouth shut nalang ha"

Sinabi naman ng Twitter user na may handle na @RogynG, trying hard masyado ang karakter ni Matteo na gayahin ang Marvel superhero na si Thor dahil sa sandata nitong palakol at kapangyarihan na kidlat.

Hindi naman nagpaapekto si Matteo sa pagkumpara ng karakter niya sa sa papel na ginampanan ni Chris Hemsworth sa Hollywood pero sinabi niya: "He is not try to be like Thor.. he is LAKAM. Period."