Close

Matteo Guidicelli, bahagi na ng Army Reserve Command reservist unit

Sponsor ads


"Exciting times ahead"

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Matteo Guidicelli matapos maging parte ng Army Reserve Command reservist unit.

Agad namang nakatanggap ng papuri si Matteo at kaibigan nitong sina Luis Ruiz at Ivan Carapeit mula sa Hukbong Katihan ng Pilipinas dahil sa pagnanais nilang makapagsilbi sa bayan.

Ayon kay ARESCOM Commandor Major General Bernie Langub, sa mga susunod na araw ay magsisimula na ang training para sa tatlo.

Ito ay bilang paghahanda sa kanila sa mga kaganapan gaya ng natural disasters at national emergencies.

Pahayag ni Matteo, ang pagsali niya sa Philippine Army ay dahil sa kanyang pagmamahal sa bansa.

Nagpasalamat rin ang aktor sa mga nagpahayag ng suporta sa kanya.