Close

Matt Evans, inaresto dahil sa umano'y kasong physical violence

Sponsor ads


Inaresto ng mga otoridad ang aktor na si Matt Evans, mula sa kanyang bahay sa Sampaloc, Manila dahil sa umano'y kasong physical violence.

Ayon sa Manila Police District report, lumabag si Evans sa Republic Act 9262 o Anti- Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Sinabi naman ng MPD na may inirekomendang piyansa para sa kaso ng aktor sa P36,000.

Hindi naman nakalagay sa report ng MPD ang impormasyon ng complainant.

Matatandaan na si Evans ay naaresto rin sa kaparehong paglabag sa Pasig City noong October 2012.

Noong 2018, nang mapangasawa ni Matt ang negosyanteng si Riza Katrina Evans, na naaresto sa kasong estafa noong 2019.