Close

Mataas na opisyal ng Olympic Council of Asia, pinuri ang hosting ng bansa sa SEA Games

Sponsor ads


Pinuri ng mataas na opisyal mula sa Olympic Council of Asia ang Pilipinas sa pag-oorganisa nito sa 2019 Southeast Asian Games.

Sinabi ni Wei Jizhong, vice president ng Olympic Council of Asia, na naniniwala siya na kaya ng Pilipinas na mag-host ng mas malaki pang mga events matapos nitong makita ang takbo ng SEA Games sa bansa.

Ayon kay Wei, mula sa slogan na: "We Win as One," hanggang sa fan engagement at sa pag-ako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa responsibilidad na may kinalaman sa mga aberya sa maagang bahagi ng SEA Games, ay nagawa ng Pilipinas na patakbuhin sa mabuting paraan ang regional event.

Dagdag ni Wei, nasaksihan nila ang kasabikan ng lahat ng mga participants dahil sa dami ng mga atleta na pumarada.

Kadalasan kasi anya ay limitado lamang ang bilang ng mga atleta na sumasali sa parada.

Iginiit rin ni Wei, na ito ang unang beses na may nakita siyang pinuno ng bansa na nag-sorry sa mga aberya na naranasan ng mga dayuhang delegado.

Ibig sabihin anya ay desidido ang pinakamataas na otoridad ng bansa na ibigay ang pinakamagandang kundisyon.

(Photo Credit: Manila Bulletin)