Close

Masungit na panahon, nakaantala sa distribusyon ng NFA rice

Sponsor ads


Nakaantala ang masungit na panahon sa distribusyon ng National Food Authority (NFA) ng mga bagong stock nito ng bigas sa mga pamilihan.

Nangyari ito sa gitna ng pagdating ng mga rice imports sa bansa galing Thailand at Vietnam.

Ayon kay NFA administrator Jason Aquino, agad nilang dadalhin sa mga NFA warehouses ang mga bigas oras na tumila na ang malakas na buhos ng ulan at susunod nalang dito ang dispersal.

Sa isang Facebook post ay kinumpirma ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol na sinabihan siya ni Aquino na nasa karagatan na ng Pilipinas ang nasa 235,000 metric tons (MT) ng bigas.

Sinabi ni Piñol na nasa 10,000 MT na ang na-unload sa Subic Freeport sa Zambales habang nasa 5,000 MT naman ang nasa Surigao.

Tiniyak naman ni Piñol na nasa P27 hanggang P32 kada kilo lang ang magiging halaga ng NFA rice sa mga pamilihan sa mga darating na araw.

Mababatid na madalas ay nasa P38 hanggang P40 kada kilo ang halaga ng commercial rice.