Close

Mass shooting sa Melbourne, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya

Sponsor ads


Patuloy ang imbestigasyon ng Victoria Police sa Melbourne, Australia hinggil sa shootout sa labas ng isang nightclub hindi kalayuan sa Malvern Road at Little Chapel Street.

Ayon sa mga otoridad, marami ang nabiktima ng pamamaril ngunit tumanggi nang magbigay ng impormasyon hinggil rito.

Ngunit batay sa bali-balita, isa ang nasawi sa labas ng Love Machine nightclub sa Prahnan.

Mayroon ring nabiktimang dalawang security guard batay sa Sydney Morning Herald report.

Hinahanap na ng pulisya ang suspek sa krimen at inaalam ang motibo nito sa pamamaril.

Mababatid na nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran ang Australia kaugnay sa paggamit ng baril matapos ang mass shooting noong 1996 sa Tasmania na ikinasawi ng 35 katao.