Close

Masamang epekto ng ecstasy, nakita sa video na nakumpiska sa drug suspects

Sponsor ads


Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa 2 umano'y tulak ng droga ang nasa P666,000 na halaga ng iligal na droga.

Ayon sa PDEA, nadatnan nila sa isang unit sa Princeton Condominium sa Mandaluyong ang mga tulak ng droga na nakilala sa mga pangalan na Lester Almandez, 35-anyos at Harold Peñaflor.

Kabilang sa mga nakuha mula sa mga suspect ang daan-daang libong halaga ng liquid ecstasy, Cocaine at ecstasy.

Meron rin video ang nabawi mula sakanila kung saan ay makikita ang dalawang babae na nagwawala at nanglilisik ang mata dahil sa liquid ecstacy.

Nagbabala ang PDEA na may masamang epekto sa kalusugan ang liquid ecstasy na ginagamit rin bilang rape drug dahil maari itong magdulot ng pagkawala ng malay, pagsusuka, pagbagal ng tibok ng puso, pagiging sensitibo sa ilaw at tunog at kung ma-overdose ay maari pa itong ikamatay ng user.

Samantala, sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino na nanggagaling sa mga club at bar ang mga droga pero ang totoong source talaga nito ay ang New Bilibid Prison na nasa ilalim ng Department of Justice.

Payo ni Aquino, dapat ay gibahin na ng tuluyan ang pambansang kulungan at ilagay nalang ang mga preso sa mas bantay-saradong pasilidad.