Close

Mas malaking venue para sa basketball games, hihilingin ng SBP

Sponsor ads


Hihilingin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang mas malaking venue para sa basketball games.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, malaki ang tulong nito para sa laban lalo na at nangako rin ang PBA na ipapahiram ang kanilang mga manlalaro para sa nalalapit na SEA games.

Mababatid na ililipat ang basketball competitions sa Flying V Centre sa San Juan mula sa orihinal na venue na Mall of Asia Arena.

Giit naman ni Phisgoc executive director Ramon Suzara, kailangang isaalang alang ang panahon bago ang laban dahil hindi lang para sa petsa ng event isinesecure ang pag-gaganapan ng kompetisyon.