Close

Marvel icon Stan Lee, magsasampa ng $1-B damage vs POW

Sponsor ads


Kakasuhan ng comic books legend Stan Lee ang entertainment company na kanya ring pinamunuan para umano sa damages na nagkakahalaga ng $1 billion.

Inaakusahan kasi nito ang kanyang mga boss ng pagnanakaw umano ng kanyang "imahe".

Ang naturang reklmao ay inihan sa Los Angeles County Superior Court at ipinublisa na rin sa iba't-ibang US entertainment media outlets, kung saan sinasabing bigo umano ang POW! Entertainment CEO Shane Duffy at co-founder Gill Champion na mai-fully disclose kay Lee ang mga detalye ng kita ng naturang kompaniya noong 2017 sale sa Camsing International.

Giit ng entertainment icon, sinamantala umano siya sa panahong nagluluksa pa siya sa pagkamatay ng kanyang asawang si Joan at pakaranas ng macular degeneration.

Sinabi pa ng 95-anyos na co-creator ng maraming superhero characters, kabilang na ang Black Panther at Spider-Man, na naloko umano siya sa paglagda ng fraudulent agreement na nagbibigay sa POW! ng exclusive rights sa kanyang pangalan, identity at likeness.

Batay sa reklamo, hindi umano nakakabasa ng mga dokumento si Lee dahil sa kanyang eye condition, at wala rin umano itong natatandaan na kahit anung ibinasa sa kanya.

Dahil dito, maari umano ginaya lang ang kanyang lagda.