Close

Maring, Lannie tuluyan nang lumabsa ng PAR; 5 patay, 6 mising

Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Maring at Lannie.

Kaugnay nito, limang katao ang iniwang patay ng naturang bagyo habang anim pa ang nawawala.

Dahil dito, inaasahan nang gaganda ang panahon sa bansa habang hinahatak ang Habagat palabas ng Pilipinas bagama't may malaking tsansa na umulan sa hapon.

Samantala, sa Mindanao region asahan din ang manaka-nakang pag-ulan dahil apektado ito ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).