Close

Marikina City bumibili ng daga na nahuli o napatay ng mga residente

Sponsor ads


Binibili ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang mga daga na mahuhuli o mapapatay ng kanilang residente.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng ‘Kampanya Kontra Lepto: Daga Mo Palit Cash’ program na naturang lungsod.

Ayon kay Marikina Vice Mayor Marion Andres, itinuturing umano nilang public enemy no. 1 ang mga daga sa kanilang lugar.

Sinabi ni Andres na ito ay bilang paghahanda dahil nauuso na naman ang mga pagbaha lalo pa't sinabi ng PAGASA ang madalas na mga pag-ulan ngayong taon.

Nilinaw naman ng bise-alkalde na walang outbreak ng leptospirosis sa lungsod.

Inihayag ni Andres na aabot sa P50,000 ang inilaang pondo para sa mga mahuhuling daga kung saan kahapon lamang ay may 20-katao na ang pumunta sa kanila at isa sa mga ito ay kumita ng P400 para sa tatlong malalaking daga nahuli nito.