Close

Marian-Dingdong, nag romantic date sa loob ng bahay

Sponsor ads


Day-off muna sina Marian Rivera at DingDong Dantes sa kanilang parental duties kahit isang araw lang, para makapag date naman na madalas nilang ginagawa noong wala pang pandemic.

Nag-set up ng isang Spanish-themed romantic dinner si Marian na tila nasa isang restaurant with matching candle light at wine pa.

Ayon sa aktres, alam nilang matatagalan pa bago bumalik sa normal ang operasyon ng kanilang mga favorite restaurant dahil sa patuloy na pagtaas pa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Day off muna si nanay! Date muna with Mi Amor, quality time kahit nasa bahay lang ???? Made a simple yet special invitation para sa spanish themed date namin with food cooked by yours truly! Naks tamis tamisan...”, bahagi ng caption ni Marian sa mga nai-share na larawan ng kanilang date.

Matapos ang kanilang “date from home” balik naman sa pagluluto ng mga putahe ang mag-asawa para maipamahagi sa mga frontliners.