Close

Marian, ipinagdiwang ang 35th birthday

Sponsor ads


Ipinagdiwang ng aktres na si Marian Rivera ang kanyang ika-35 kaarawan nitong August 12.

Inorganisa ng mister ni Marian na si Dingdong Dantes, kasama ang pamilya at kaibigan nila ang pagtitipon.

Sa isang mensahe sa Instagram story ng aktress, ay nagpasalamat siya sa mga pasabog para sa kanya ni Dingdong.

Ibinahagi naman ni Marian ang mga litrato ng kanilang anak na sina Zia at Ziggy na kasama ang kanilang lola Amalia at Lola Francisca.

Makikita pa sa ibang larawan na suot nila Marian at Zia ang magkaparehong kulay pink na singsing, sa mensahe ng aktress ay sinabi niya na nais niyang magsilbi itong paalala sa pagmamahal niya sa kanyang anak.