Close

Marcus Douthit, pabor na si Justin Brownlee nalang ang kunin na naturalize player para sa Gilas

Sponsor ads


Pabor si dating Gilas Pilipinas player Marcus Douthit na kunin si Justin Brownlee bilang naturalized player ng national team.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Douthit ang dahilan kung bakit pabor siyang maisama ang popular na Barangay Ginebra player sa Gilas.

Paliwanag nito, perfect umano si Brownlee dahil nakakapaglaro siya para sa iba't-ibang posisyon.

Binigyang diin rin ng dating manlalaro na hindi na kailangan kumuha ng big man tulad ni Andray Blatche para magsilbing "import" ng Gilas dahil sa ngayon mas mahalaga umano ang versatility.

Maliban dito, iginiit rin ni Douthit na may mga magagaling pa naman na manlalaro ang team gaya nina June Fajardo at Kai Sotto habang bonus na rin kung si Brownlee ang ire-recruit ng Gilas dahil kilalang-kilala na siya ng Pinoy fans.