Close

Marawi liberation, nakatulong sa trust ratings ni PRRD - Palasyo

Sponsor ads


Naniniwala ang Palasyo na ang pagkatalo ng Maute-ISIS sa Marawi City ang nagpaangat sa trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "excellent."

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinakita kasi ng Pangulo ang political will nito sa pagsupil ng mga bayolenteng terorista at extremist sa Marawi.

Sinabi rin ni Roque, ipinapakita lamang ng mga surveys na unti-unting tinutupad na ni Duterte ang mga ipinangako nito.

Kaugnay nito ay ipinunto rin ng Palasyo na bukod sa nagawa ng Pangulo na i-promote ang rule of law laban sa terorismo ay makikita rin na nanalo na ito sa war on drugs.

Mababatid sa huling survey na inilabas ng Social Weather Stations' para sa ikaapat na quarter ng 2017 ay nakuha ng punong ehekutibo ang +75 net trust rating; mas mataas ito ng 15-points kumpara sa +60 o "very good" rating na nakuha ng Pangulo noong Setyembre ng taong 2017.

(PHOTO: Ted Aljibe // AFP)