Close

Manila water, nagpaliwanag kung bakit may water shortage

Sponsor ads


Nagpaliwanag ang Manila Water kung bakit sa kabila ng napakarami pang tubig sa Angat Dam ay nakararanas pa rin ng water shortage sa mga lugar na kanilang sineserbisyuhan.

Ayon kay Manila Water Communications Manager Dittie Galang na limitado lang ang suplay ng tubig na nakukuha ng Manila Water sa Angat Dam.

Giit ni Galang, hindi maaring basta-basta lamang taasan ang alokasyon ng tubig na nagmumula sa Angat dahil mayroong limitasyon ang capacity ng conveyance system na dinaraanan ng tubig galing Angat patungong La Mesa dam.

Paliwanag nito na mula taong 1997 aniya, 60-40 na ang hatian nila ng Maynilad sa nakukuhang tubig sa Angat. 4 billion liters ang alokasyon ng tubig mula sa Angat para sa domestic use sa Metro Manila, 1.6 billion liters dito ang napupunta sa Manila Water at 2.4 billion liters ang napupunta sa Maynilad.

Dagdag nito noong 1997, higit pa sa sapat ang nasabing alokasyon para sa kanilang mga consumer sa Metro Manila. Pero tumaas ng tumaas ang demand sa paglipas ng mga taon dahil dumami ng dumami ang tao sa Metro Manila.

Mababatid na mismong ang Malakanyang na mismo ang pumuna sa water shortage at sinabi pang bubusisiin ng Palasyo ang posibilidad na baka ‘artificial’ ang water shortage dahil sapat naman ang tubig sa Angat Dam.