Close

Manila Water, minamadali na ang treatment plant para maibsan ang problema sa shortage

Sponsor ads


Minamadali na ng Manila Water ang pagpapagana sa kanilang treatment plant sa Cardona, Rizal upang maibsan ang nararanasan na problema ng Metro Manila sa shortage.

Umaasa ang water concessionaire na matatapos na ito ngayong buwan.

Sinabi naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System chief regulator Patrick Ty na ang puno't dulo ng problema water shortage ay dahil hindi kaagad natapos ang proyekto ng Manila Water na dapat ay noong December, 2018 pa nakumpleto.

Mababatid na ang Manila Water ang nagsu-suplay ng tubig sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Samantala, tiniyak naman ng Maynilad, na in-charge sa suplay ng tuubig sa kanlurang bahagi ng Metro Manila na hindi ito makakaranas ng shortage.

Matatandaan na unang sinisi ng Manila Water ang problema nito sa nagaganap na El Niño phenomenon.