Close

Mamahaling bag ni Regine ibenenta para sa OPM musicians na apektado ng COVID-19

Sponsor ads


Trending ngayon ang ginawang kawang-gawa ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang magdonate ito ng isa sa kaniyang mamahaling bag upang maibenta at maipantulong sa mga OPM musicians na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19.

Isang violet Hermes bag nga ang donation ni Regine sa fund-raiser ng asawang si Ogie.

Ipinakita mismo ni Ogie ang naturang bag sa kaniyang Instagram na up-for sale ngayon at sinasabing nagkakahalaga ng more than half a million pesos.

“Salamat mahal for contributing this one. This will help our OPM singers and musicians!! For inquiries, please call 0917 815 8032.”, saad ni Ogie.

Matatandaang nauna nang nag-donate si Ogie ng kanyang mga collection ng selected toys para pa rin sa naturang proyekto.

Inaasahang magkakaroon pa ng batch two ang mga laruan na maaaring ibenta ng singer para ipang-tulong sa mga nangangailangan. - GLENN PARUNGAO