Close

Malawakang evacuation, isinagawa sa ilang lalawigan

Sponsor ads


Nagsimula nang lumikas ang mga residente ng iba't ibang lalawigang nasa landas na tatahakin ng bagyong 'Ompong'.

Nasa humigit kumulang milyun-milyong katao ang madadaanan ng bagyo na nauna nang kinategorya ng Joint Typhoon Warning Center sa Hawaii bilang 'Super Typhoon'

Ang probinsya ng Cagayan ang isa mga naunang lalawigan na nakaranas ng mga malalakas na pag-ulan kahit ngayong araw pa lang nag-land fall ang bagyo.

Nagsimula na rin ang mass evacuation sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region at gitnang Luzon.

Itinaas na ang iba't ibang typhoon warning signals sa 38 na probinsya sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila.