Close

Malalapit na kaibigan ni Chokoleit, kanya kanyang toka sa "Big Night" nito

Sponsor ads


Hanggang sa huling sandali ay makikitang solid ang friendship nila Chokoleit, at mga kapwa komedyante na sina Vice Ganda, Pokwang, Pooh at K Brosas.

All out ang apat sa pagbibigay aliw sa "Big Night" o huling lamay ni Chokoleit sa Maynila.

Nagkaroon pa ng song number si K Brosas na isa sa pinaka-nagdalamhati sa pagkamatay ni Chokoleit.

Biro ni K, ang kakantahin nya para kay Chokoleit ay "Zombie" o "Staying Alive" pero kinalaunan ay madamdaming kinanta ang "The Warrior is a Child".

Kanya kanya ring toka ang mga magkakaibigan kung saan bumaha ng pagkain.

Marami ring pa-juice at pa-beer at may papansit pa si Vice Ganda.

Kahapon hanggang ngayong araw ibuburol ang labi ni Chokoleit sa Davao, bukas naman ay ang nakatakdang cremation nito.

Pagkatapos ng cremation ay iuuwi sa bahay nito sa Town and Country Homes sa Cainta, Rizal ang kanyang abo katabi ng ashes ng kanyang ina.

---