Close

Malakanyang gustong makipag ayos sa oposisyon

Sponsor ads


Nais ng Palasyo na makipag-ayos na sa mga taga-oposisyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ngayong tapos na ang eleksyon ay mas makabubuting magkaisa na ang lahat.

Binigyang diin ng Palasyo na malinis ang kanilang hangarin sa alok na peace offering sa mga taga-oposisyon.

Naniniwala si Panelo na susi ang pakikipagkaibigan sa mga ito para magkaroong ng mas maunlad na bansa.

Ngayong nagdesisyon na ang mayorya ng mga Pinoy na iluklok ang mga pambato ng administrasyon para ipagpatuloy ang mga nasimulang reporma, maaari pa ring magpahayag ng pagtutol ang oposisyon dahil ito ay karapatan nila.