Close

Malakanyang, nanindigang legal ang paghuli kay Ladlad

Sponsor ads


Nanindigan ang Palasyo na legal at wala silang nilabag na batas sa pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippines consultant Vic Ladlad.

Inaresto ng operatibo ng Criminal Investigation and Detection Group si Ladlad dahil bukod sa suspendido na ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG ay marami rin itong kinakaharap na kaso.

Isa na rito ang kasong pagpatay sa mga kasamahan nito sa New People's Army.

Nakitaan rin ng ilang high-powered firearms si Ladlad at isa pang lider ng komunistang grupo na si Rafael Baylosis.

Nilinaw rin ng Palasyo na tuloy rin ang kasong rebelyon sa grupo ni Ladlad dahil hindi naman natuloy ang Usapang pangkapayapaan.