Close

Malacañang, kinukundena ang pagpaslang kay Brigada Ed Dizon

Sponsor ads


Tiniyak ng Presidential Task Force on Media Security na sila ay "on top of the situation" kaugnay ng pananambang patay ng riding in tandem sa Brigada News FM Kidapawan anchor na si Brigada Ed Dizon.

Ayon kay PTFoMS communications officer Aristoteles Estrella, mariing kinukundena ng Task Force ang pagpatay sa batikang radio commentator.

Aniya, para sa Task Force, work-related ang kahit anong media killings hangga't di napapatunayan sa imbestigasyon.

Siniguro rin ni Estrella na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad kaugnay ng insidente at mahigpit na mino-monitor ang mga follow-up investigations.

Dagdag pa ng opisyal, inaasahang magsasagawa ng case conference si PTFoMS executive director Undersecretary Joel Egco kasama ang mga imbestigador at mga taong concerned sa insidente.

Samantala, inaalam pa ng Task Force kung konektado ang pagpatay kay Dizon sa shooting incident sa Bombo Radyo sa General Santos City noong July 3.