Close

Makabayan Bloc, pinaiimbestigahan ang status ng K -12 prog

Sponsor ads


Naghain ng resolusyon ang Makabayan Bloc sa House of Representatives na naglalayong imbestigahan ang status ng pagpapatupad ng K to 12 program.

Sa House Resolution 1887, binigynag diin ng naturang mambabatas na ang K to 12 program ay nagdulot ng "myriad of issues" batay sa mga mga reklmao mismo mula sa mga guro, school personnel, mga magulang at estudyante.

Kabilang dito ang kakulangan ng classrooms at school equipment na naging dahilan para mapilitan ang mga apektado na gumastos mula sa kanilang sariling bulsa.

Kasabay nito, kinuwestiyon rin ni ACT Teachers party-list Representative France Castro kung saan na napunta ang mga graduates kasundo ng naging claim ng Department of Education na naging matagumpay ang first batch ng K-12.

Pinuna rin ng mga mambabatas ang issue ng employability ng K to 12 graduates, na nagyon ay kinukuwestiyon dahil sa pahayag ng business community kaugnay sa kakulangan ng job readiness o competence para sa employment ng unang batch ng mga graduates sa naturang programa.

Mapapansin rin umano ang katotohanan na walang tumatanggap ng graduate lang ng senior high.