Close

Maja Salvador, wagi sa 1st Asia Contents Awards

Sponsor ads


Nakamit ng aktres na si Maja Salvador ang Best Actress Award mula sa 1st Asia Contents Awards na inorganisa ng prestihiyosong Busan International Film Fetival at Asian Film Market.

Sa ginanap na awards night kagabi (October 6) sa Busan, South Korea, ay kasama ni Maja na umattend sa awarding ceremony ang boyfriend nito na si Rambo Nunez, ang Wildflower production manager na si Maru Benitez at ang isa sa mga direktor ng teleserye na si Raymund Ocampo.

Ang nasabing award ay para sa pagganap ni Maja sa karakter ni Lily Cruz/ Ivy Aguas sa 2017 prime-time series na "Wildflower."

Sa acceptance speech ng aktres ay sinabi niya na "great challenge" at pleasure para sa kanya bilang isang actor ang pagganap sa mga karakter nina Ivy Aguas at Lily Cruz.

Nagpasalamat rin iya sa kanyang mother network dahil ipinagkatiwala sa kanya ang nasabing role at sa lahat ng bumubuo ng "Wildflower.”

(Photo: MJ Felipe / ABS-CBN)