Close

Maine at Arjo, spotted sa isang resto sa Makati

Sponsor ads


Spotted na magkasama sa isang restaurant sa Makati ang Kapuso star na si Maine Mendoza at Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ayon sa larawang inilabas ng PEP.ph, namataan ang dalawa sa Nono Restaurant kahapon kung saan makikitang masayang nagkukwentuhan ang dalawang habang kumakain.

Mayroon pang isang larawan na makikitang tumatawa si Maine habang may ipinapakita kay Arjo mula sa kanyang cellphone.

Sinabi sa news portal na walang ibang kasama ang dalawa nang kumain sa restaurant.

Wala rin umanong camera crew na kasama sina Maine at Arjo kaya't malinaw na hindi ito shooting ng pelikula.

Ilang minuto lamang ang itinagal ng dalawa doon at umalis na rin.

Posibleng nagkayayaan kumain ang dalawa bilang magkasama naman sila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles na pagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.

Mukhang naging close na ang dalawa dahil sa pagsasama nila sa pelikula.

Wag muna nating lagyan ng malisya mga ka-brigada dahil sa pagkakaalam namin ay mayroong girflriend itong si Arjo na si Sammie Rimando.

Habang si Maine naman ay wala pang napapabalitang karelasyon.





Image from: PEP.ph