Close

Maine at Arjo, nag-date sa US

Sponsor ads


Nagkaroon ng special romantic date sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa United States sa kabila ng kanilang busy schedule.

Si Maine ay nasa New York para sa ilang events ng kanyang ineendorse na brand ng lipstick habang si
Arjo ay naging bahagi ng concert ni Maja Salvador sa Virginia.

Ipinost pa ni Arjo ang picture ni Maine sa isang restaurant at may caption na "Save the best for last".

Dahil rito ay mukang nagkakamabutihan na ang dalawa ayon sa ilang netizens.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lang ng aminin ni Arjo na sila ay exclusively dating ni Maine.