Close

Mahigit isang milyon, nahahawa ng STI kada araw sa buong mundo

Sponsor ads


Mahigit sa isang milyong tao ang nahahawa ng sexually transmitted infections o STI kada araw sa buong mundo.

Ito ay batay sa report ng World Health Organization.

Ayon sa WHO, kabilang sa apat na STIs na nakakahawa sa milyong tao kada araw ay chlamydia, gonorrhea, trichomoniasis (or "trich") and syphilis.

Base sa report, umaabot sa 378 million na mga bagong kaso ng STI ang naitatala sa bawat taon kung saan karamihan sa mga ito ay isinusugal ang kanilang kalusugan.