Close

Mahigit 40 patay, 20 sugatan sa mass shooting sa NZ

Sponsor ads


Pumalo na sa 49 ang bilang ng mga nasasawi matapos ang pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand.

Labis na nasugatan naman sa insidente ang 20 iba pa.

Hinihinalang isang Australian extremist ang nasa likod ng pamamaril na naging sanhi upang isailalim sa lockdown ang buong lungsod.

Sinabi ng ilang mga testigo na nakita nila ang mga biktima, kasama na ang mga babae at bata, na binabaril ng malapitan.

Ayon kay Prime Minister Jacinda Ardern, maituturing ang terror attack bilang isa sa mga pinakamadilim na araw ng New Zeland.

Samantala, meron naman video ang kumalat na sinasabing live stream ng suspek sa ginawa nitong pamamaril.

Nakumpirma ng ilang journalists ang video na ngayon ay na-delete na mula sa internet.

Nanawagan naman ang pulisya sa New Zealand sa netizens na huwag nang ipakalat ang video.