Close

Mahigit 250 rebels, inaresto sa Chad

Sponsor ads


Mahigit 250 mga rebelde ang inaresto sa Chad matapos ang ikinasang operasyon laban sa mga militanteng tumatawid mula sa Libya.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga dinakip ang apat na lider na kasalukuyang nakakulong.

Sinira ng mga otoridad ang 40 sasakyan ng mga rebelde habang nasamsam ang daan-daang mga armas ng mga ito.

Nabatid na ito ang pinakahuling pag-atake sa mga serye ng banta laban sa pamumuno ni President Idriss Déby.

Kasalukuyang naka-deploy ang Fench troops sa Chad bilang bahagi ng Operation Barkhane, isang ongoing coalition effort sa Sahel region sa Africa para labanan ang mga jihadist insurgents.