Close

Mahigit 200 volcanic earthquakes, naitala sa Taal volcano

Sponsor ads


Mahigit 200 lindol na ang naitala sa paligid ng bulkang Taal sa kasagsagan ng pag-aalburuto nito.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Undersecretary Renato Solidum Jr. na umabot na sa 212 ang volcanic earthquakes na naitala kung saan ang ilan ay naramdaman sa mga malalapit na lugar doon.

Ayon sa Phivolcs, mula 1.2 hanggang 4.1 ang magnitude ng mga nasabing pagyanig, at naramdaman ang intensities 1 hanggang 5 sa mga apektadong lugar.

Sa ngayon, patuloy ang pagbuga ng abo ng bulkan.

Sinabi ng Phivolcs na ang mga lindol at mga volcanic tremors ay senyales na lumalala na ang pag-aalburuto ng bulkan.

Nananatiling nakataas ang alert level 4 sa bulkan dahil nananatili ang banta ng malakas na pagsabog anumang oras o araw.