Close

Mahigit 100 flights sa Japan, nakansela

Sponsor ads


Libo-libong mga byahero ang na-stranded sa airport ng Japan matapos makansela ang mahigit 100 flights dahil sa malakas na bagyo.

Mahigit 100 flights papunta at pabalik ng airports sa Tokyo ang nakansela kabilang na ang 49 na Japan Airlines flights at 41 ng All Nippon Airways base sa website ng airport.

Nanatili naman suspendido ang Keikyu rail line na nagko-konekta sa Tokyo at Yokohama sa Haneda Airport.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nag-landfall ang Typhoon Faxai noong umaga ng Lunes sa lungsod ng Chiba taglay ang 120 miles per hour na lakas ng hangin.

Kumilos ang bagyo patungong Tokyo na naging dahilan upang maparalisa ang transportasyon.

Nagsiksikan naman ang mga commuters sa Tokyo sa mga subway stations matapos mag-shut down ang mga bullet trains at subway services.

Samantala, sinabi naman ng Tokyo Disaster Prevention Department na milyon-milyong mga bahay ang nawalan ng kuryente dahil sa bagyo.