Close

Magsasaka, nahulihan ng shabu

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang search operation ng kapulisan sa Purok Mabuhay, Barangay San Isidro, Sto. Niño, South Cotabato.

Kinilala ang nahuli na si Renato Jomento Ceballos alyas "Amay", 42-anyos, balo at residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa bahay ni Ceballos ang anim na small sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Norala Municipal Police Station ang suspek makaraang mahuli noong Abril 16. (Tiffany Jill Trinidad)