Close

Magnolia, tumaas ang tyansa na makapasok sa playoffs matapos dominahin ang Columbian

Sponsor ads


Hindi napigilan ng Columbian ang sunod-sunod na puntos ng Magnolia sa huling quarter ng laban nito para sa PBA Philippine Cup.

Dahilan ito upang dominahin ng Magnolia ang Columbian sa score na 109-83.

Nagtala si Ian Sangalang ng 16 points na may kasamang 6 rebounds para sa Hotshots.

Tataas naman ang tiyansa ng Magnolia na umabanse sa quarterfinal round ng torneyo dahil sa kanilang panalo.

Samantala, ang larong ito ay ang nagbigay ng 3-4 win loss card sa Magnolia habang naranasan naman ng Dyip ang kanilang ika-anim na talo mula sa 10 laro.