Close

Magnolia, tinambakan ang Blackwater

Sponsor ads


Tinambakan ng Magnolia ang Blackwater sa score na 133-99 sa kanilang pagtutuos sa PBA Governors' Cup sa Cuneta Astrodome kahapon.

Tumapos ng 22 points at 12 rebounds si Romeo Travis habang triple double naman ang iniambag ni Jalalon para sa ikatlong sunod na panalo ng koponan.

Umarangkada naman ng 19 points si Paul Lee, 43 pointers, at 4 assists para sa Magnolia na mayroon nang 6-1 kartada at sinolo na ang second place sa standings kasunod ng nagdedepensang Barangay Ginebra na may 7-1 baraha.

Magandang laro ang ipinakita ni Jalalon na may 13 points, 12 rebounds, at 13 assists habang sina Mark Barroca naman at Ian Sangalang ay nagbigay ng 16 at 15 points.

Sinabi naman ni Magnolia coach Chito Victolero na natutuwa sya sa mga puntos na iniambag ni Jalalon dahil sophomore ito pero lagi nyang sinasabing maraming pang ilalabas ang manlalaro.

Dinala naman ni Henry Walker na may puntos na 27 points ang Blackwater na ngayo'y bumaba na sa 6-2 win loss record at kasama ang Phoenix sa ika-apat at ikalimang standing.







Image from: ABS-CBN News