Close

Magnitude 5.9, tumama sa Iran; 5 patay, mahigit 330 sugatan

Sponsor ads


Patay ang limang (5) tao habang umabot sa mahigit 330 ang nasugata sa magnitude 5.9 na lindol na tumama sa Northwestern Iran.

Ayon sa report, naitala ang pagyanig bandang alas-2 ng madaling araw sa Iran sa bahagi ng East Azerbaijan province kung saan nasundan ng umabot na sa mahigit 50 aftershocks.

Sa inisyal na assessment ng mga otoridad, maraming gusali din ang napinsala at nasira sa lindol na mayroong 8-kilometers ang lalim.

Biniberipika ngayon ng mga otoridad ang report na mayroong tatlong (3) maliliit na villages ang nasira ng lindol.

Ang Iran ay kilalang nasa ibabaw ng fault lime sa pagitan ng Arabian at Eurasian plates na dahilan ng maraming lindol sa lugar.