Close

Maglive-in at 2 kasama, huli sa buy bust

Sponsor ads


TACURONG CITY - Arestado sa drug buy-bust operation ang maglive-in partner at dalawang kasama nila sa Obra Subdivision, Barangay Griño nitong lungsod alas-8:30 ng gabi ng Pebrero 13.

Kinilala ang maglive-in na sina Zenaida Teves alyas " Inday" at Jude Dela Cruz.

Huli rin ang mga kasamahan nila na sina Joey Paciente, van driver at Jeomar Gregorio alyas "Chin -Chin".

Ang nasabing operasyon ang isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA)-12 kasama ang Tacurong City Police Station Joint Task Force Talakudong, SK Provincial Mobile Force at PIB-SKPPO.

Narekober sa mga ito ang dalawang big sachet at tatlong small sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 marked money.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng PDEA-12 ang mga nahuli. (Tiffany Jill Trinidad)