Close

Magiging resulta ng vaccine rollout, oobserbahan bago magrekomenda ng MGCQ

Sponsor ads


Inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang pang pinal na petsa kung kailan isasailalim ang buong bansa sa modified general community quarantine — isang protocol na nagpapahintulot sa expanded public transport at business operations at nagluluwag sa restrictions sa mass gathering.

Ayon kay Nograles, oobserbahan muna ng Inter-Agency Task Force kung anu ang kalalabasan sa COVID-19 vaccine rollout, bago magrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa MGCQ transition.

Dagdag ng opisyal, posibleng sa katapusan ng Marso gumawa ng rekomendasyon ang IATF.

Una nito, ibinasura ng pangulo ang rekomendasyon na isailalim na ang buong bansa, lal na ang Metro Manila sa MGCQ, hangga't hindi pa umano nasisimulan ang vaccine rollout.